Sampung Salita

¤ I wrote this "spoken word poetry" for all the vhong-anne (Vhong Navarro and Anne Curtis) shippers out there. ❤ 

"Sampung Salita"

Paano ko nga ba ito sisimulan
Eh, hindi mo naman ako nagustuhan
Ang mga sasabihin ko sa tulang ito
Ay ang tunay na saloobin ko sayo
Akala ko
akala ko may pag asa ako sayo
Sabi mo pa, na wag natin kalimutan ang isa't isa
Na lahat ng sikreto nati'y ibabahagi kahit ano pa
Mula sa mga makabuluhang bagay
Kalokohan, tawanan
Pati pagkabasted mo sa iyong nililigawan
Sa iyong mga iniyakan
Sa paulit ulit mong pagsabi ng
"Hindi ko na kaya, Anne."
Lahat yun, kadamay mo ako
Kahit na alam kong wala kang nararamdaman sa akin
Nagpakatanga pa rin ako
Pinili pa rin kitang samahan
Kahit na minsan, ako'y nasasaktan
Pero parang lahat ay gumuho
Nang Isang araw
Naglalakad ka papunta sa akin
May kasama kang babae na sopistikada, mukhang matalino
Agad agad akong nagtaka
Kaya naman pinakilala mo sya saakin
"Siya nga pala ang girlfriend ko"
Anim na salita
Anim na salita lang nasaktan mo na ako
Siya
Nga
Pala
Ang
Girlfriend
Ko
Sana dinagdagan mo at sinabi mong
Hanggang
Magkaibigan
Lang
Tayo
Ayan para sampu na
Labis akong nasaktan
Kahit hindi naging tayo
Pero wala eh, nahulog ako sayo
Nahulog ako sayo kahit hindi dapat
Nahulog ako sa taong hindi ako karapatdapat
Nahulog ako sa taong kaibigan lang ang kayang ibigay
Kasi kahit kailan
Hindi mo naman napansin lahat ng ginagawa ko sayo
Hindi mo napansin ang taong walang sawang umintindi sayo
Ang taong siyang pumapawi ng luha mo
Sa bawat luha na pumapatak sa mukha mo.
Ang taong syang nagpapasaya sayo
Ang taong kahit kailan hindi nagsasawa sa paulit ulit mong mga kwento
Ang taong kasama mo sa hirap at saya
Ang taong yon
Ay ako
Ako, na kaibigan mo
Ako, na mistulang yaya mo
At ako, na nagmamahal sayo.
Pero ito
Ito ang pinaka masakit
Nang sa isang iglap
Hindi mo na ako pinansin
Para nalang akong isang hangin
Hangin na hindi mo na gugustuhing damhin
Kung noon lagi mo akong napapansin
Ngayon, dinadaan daanan mo nalang ako
Dinadaan daanan niyo ng girlfriend mo
Umiyak ako
Buong gabi, umiyak ako
Hanggang sa narealize ko
"Bakit ba ako umiiyak sayo?
Eh hindi naman naging tayo."
Kaya inilihis ko ang atensyon ko
Pinilit kong kalimutan ang taong minsa'y minahal ko
Pinili kong magpakalayo layo
Magliwaliw at magpakasaya
At mas pinili ko ring mag-isa
Hanggang sa
Nabalitaan ko nalang
Iniwan ka daw nya
Kasi ayaw na daw nya sayo
Alam mo kung ano unang pumasok sa isip ko?
Ang tanga tanga niya
Pinakawalan nya pa ang taong minsa'y minahal ko
Ang taong naging rason ng katangahan ko
Ang taong naging sentro ng mundo ko
At ang taong iniiyakan ko gabi-gabi
Na tila wala kang maririnig kundi ang makahulugan kong mga hikbi
Kaya hindi ako nagsalita tungkol dun
Tapos minessage mo ako sa facebook
"Anne, kamusta ka na?"
Yan din ang tanong ko sa sarili ko
Kamusta na ba ako?
Kamusta na nga ba ang taong nagpakatanga sayo?
Kamusta na nga ba ang taong tinago lahat ng nararamdaman niya sayo?
Simula sa saya, hanggang sa sakit
Hanggang sa di kinaya, kaya bumitiw
Kaya ang isinagot ko
"Okay lang naman ako."
Kahit na hindi.
Bumalik lahat ng sakit
Sakit na ayaw ko nang maramdaman
Sakit na pilit ko nang kinalimutan
Humingi ka ng isang pabor
Gusto mong makipagkita
Kaya pumayag ako
Pagdating mo
Hindi ka pa rin nagbabago
Kung sino ang Vhong na nakilala ko
Ikaw na ikaw pa rin
"Hi, Anne."
Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang pangalan ko na galing sayo
Magsasalita na sana ako kaso
"Vhong, Erwann nga pala."
Nagsalita si Erwann
Si Erwann na ngayon, ay aking kasintahan.
Pero gaya ng iba, may mga bagay na magbabago
Kagaya ng pagmamahal ko sayo, na unti unting naglaho.

-anne

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento