Tula

Ang tulang ito ay isinulat ko
Para maipahayag ang tunay na nararamdaman ko
Simula sa umpisa
Hanggang sa dulo
Hanggang sa masaktan ako
Sa labis na pagmamahal ko sayo
Sa mga tingin na ibinabato mo
Hindi para sa akin
Kung hindi para sa kaibigan ko
Minsan ay mapagtatanto ko na
Nagpapakatanga na pala ako
Minsan mas gusto ko nalang ngitian
Kaysa ipakita sayo na ako'y nasasaktan
Bakit nga ba ako nagkaganito?
Eh hindi mo naman ako gusto.
Minsan iniisip ko nalang
Ano nga ba talaga ako sayo?
Isa lang ba akong hangin
Na hindi mo na papansinin?
Bakit nga ba?
Bakit hindi tayo para sa isa't isa?
Bakit hindi tayo itinadhana?
Bakit pinagtagpo pa tayong dalawa?
Bakit pa kita nakilala?
Bakit?
Wala nang ibang tanong sa isip
Kundi bakit?
Bakit nagpapakatanga pa ako sayo?
Ilang beses na nga ba akong umasa at umaasa sayo?
Isa? Dalawa? Tatlo?
O baka hanggang sa dulo?
Madaming tanong ang tumatakbo
Na mas mabilis pa sa pagtibok ng puso mo
Ng puso mong hinahangad ko.
Nagpapakatanga ka sa kanya
At ako naman ay nagpapakatanga sayo
Sino kayang mananalo?
Ikaw na mahal ko
O ako na naghihintay sayo?
Pilit nila akong idinidikit sa iba
Kahit ikaw naman talaga ang gusto ko sinta
Ikaw lang ang gusto kong makasama
Ang kasama sa bawat saya
Saya na kailanma'y hindi matutumbasan pa
Ngunit hindi na yan mangyayari pa
Dahil hindi naman ako ang gusto mo, sinta
Wag mo na sanang ipilit pa
Na ikaw ang gusto ko at hindi na sya
Ikaw at ikaw pa rin talaga
Ngunit hindi na maaari pa
Dahil sa ipinipilit ka na sa iba
At mukhang masaya ka sa kanya
Kaya eto ako ngayon
Nasasaktan at pinipilit maging mahinahon
Ang pag ibig ko sayong pinagkatago tago
Ang patagong pagsulyap sa bawat ngiti mo
Ang ngiti mong kay tamis
At pagmamahal ko sayo na labis labis
Ay alaala ng isang tula nalang
Lahat ng iyan ay hanggang sa tula nalang
Ng tula na hindi basta gawa gawa lang
Dahil ito ay ang pinapahayag
Ng puso ko na iyong binihag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento